Bulong
bulong ~ sabi-sabiSa kabanatang ito, itinatala ko ang ilan sa mga bulong na napagtanto sa aking isipan. Ito ay mga linyang makabuluhan na talaga nga namang aking ikinagulat nang maisulat ko sa mga takdang- aralin, “reaction paper” atbp. Susme, may makabuluhan din pa lang naidudulot sa akin ang pag-aaral. *lalo na ang asignaturang Filipino ng “Diyosa ng kagandahan” raw*. Biruin mo, halos diretsong Filipino ang mga pinagsasabi ko!!!! wahahaha!! … Ipagpapapatuloy. *~*~* Kahit gaano ka man kalakas at makapangyarihan, kahit kailan ay hindi ka dapat magtiwala ng sobra sa sarili sapagkat kahit ang iba ay mahihina, hindi mo masusukat kung ano ang kaya nilang gawin upang makamit ang kapangyarihan o anu mang nais sa buhay. (tinig journal analysis)*~*~* Paminsan-minsan ay lumayo tayo sa modernong buhay at balikan ang simpleng pamumuhay upang ating mabigyang halaga ang mga karaniwan ngunit napakagandang bagay sa buhay. Sa mga munting biyaya ng Panginoon, ating matatagpuan ang kasiyahan. (“Batad” reaction paper)*~*~* Sa paghahangad natin ng mas kaaya-ayang kalagayan sa buhay, nababangga natin ang mga bagay na meron na tayo. Dahil rito, ito’y nawawala sa atin at sa halip na tayo’y umunlad, tayo’y lalong bumababa. Pahalagahan natin at pagyamanin ang anuman ibinigay sa atin o kaya naman ay nasa atin ngayon.(“Batad” reaction paper)*~*~* Ang wikang Filipino ay ang pandikit sa pilas-pilas nating mapa. Nakakita ka na ba ng isang “jigsaw puzzle”? Sa simula, ang mga piraso ay nakakalat at nakasabog lamang sa sahig. Matagal ito bago matapos buuin ngunit kapag nabuo ay isang napakagandang tanawin. Kung ang Pilipinas ay isang “jigsaw puzzle”, ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kamay na bumubuo nito. Kung wala ang wikang ito, watak- watak din ang Pilipino tulad ng mga piraso ng “jigsaw”. (Tore ng Babel sa Makabagong Panahon, essay para sa Buwan ng Wika)*~*~* Ang tao ay hindi ipinapanganak na masama. Maaaring may mga masalimuot na karanasan ang isang tao kaya siya naging masama o nahanto sa isang madilim na kalagayan. Kailangan natin silang unawain at tulungang bumangon upang makita nila ang pag-asang dala ng buhay. Ang Diyos ay may dahilan at plano para sa lahat. Maaaring hindi natin masagot agad ang ating mga katanungan. Darating ang panahon at maiintindihan rin natin ang lahat. (analysis ng “Vida” ni wilfredo Virtusio)

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.